ANDRES BONIFACIO Ipinanganak ang bayaning si Andres Bonifacio noong Nobyembre 30, 1863 sa syudad ng Maynila. Ang kanyang ama ay si ginoong Santiago Bonifacio at ang kanyang ina naman ay si ginang Catalina de Castro. Panganay si Andres sa anim na magkakapatid at sa murang edad na katorse ay natuto nang maghanapbuhay si Andress buhat noong magkasunod na mamatay ang kanyang mga magulang. Itinigil na din ni Andres ang kanyang pag-aaral kapalit ng pag tataguyod nya sa limang nakababatang kapatid. Dahil sa likas na talento ni Andres sa gawaing kamay ay natuto syang gumawa ng baston, pamaypay at mga karatula na syang ibinebenta. Di tumagal ay nagtrabaho si Andres bilang mensahero sa dayuhang kompanya na Fleming and Company. Bukod dito ay nagtrabaho din sya sa isa pang dayuhang kumpanya na Fressel and Company. Dito natuto si Andres ng salitang ingles. Kahit hindi nakapagtapos ay natuto din si Andres ng salitang espanyol. Nahubog ang kanyang kaalaman sa pagbabasa ng mga librong tun
Posts
PANITIKAN SA PANAHON NG HIMAGSIKAN AT PROPAGANDA
- Get link
- X
- Other Apps
TALAMBUHAY NG MANUNULAT JOSE DELA CRUZ (21 Disyembre 1746-12 Marso 1829) Si Jose dela Cruz (Ho·sé de·lá Kruz) o Huseng Sisiw ay isang bantog na makata at mandudulang Tagalog noong ika-19 na siglo. Dahil sa kaniyang kabantugan, may kuwentong nagpaturo sa kaniyang tumula si Francisco Balagtas bago ito naging popular. Isinilang siyá noong 21 Disyembre 1746s a Tondo, Maynila kina Simeon dela Cruz, isang cabeza de barangay, at kay Maria Naval. Sa edad na 8, bihasa na siyá sa pagsasalitâ sa Espanyol. Kalaunan ay sumulat siyá sa wikang Latin. Naging kritiko at sensor siyá ng komedyang Tagalog na ipinapalabas sa Teatro de Tondo. Naging kaibigan niya ang mga tagasimbahan dahil sa kaniya ipinasusulat at ipinawawasto ang kanilang sermon at dahil gagap niya ang Bibliya. Kilalá siyá bilang “Huseng Sisiw.” Ayon kay Hermenegildo Cruz, palayaw niya iyon dahil susulat lámang siyá ng tula kapalit ng sisiw. Ayon naman kay Jose Ma. Rivera, ang palayaw niya ay gáling sa ka