PANITIKAN SA PANAHON NG HIMAGSIKAN AT PROPAGANDA
TALAMBUHAY NG MANUNULAT
JOSE DELA CRUZ
(21 Disyembre 1746-12 Marso 1829)
Si Jose dela Cruz (Ho·sé de·lá Kruz) o Huseng Sisiw ay isang bantog na makata at mandudulang Tagalog noong ika-19 na siglo. Dahil sa kaniyang kabantugan, may kuwentong nagpaturo sa kaniyang tumula si Francisco Balagtas bago ito naging popular.
Isinilang siyá noong 21 Disyembre 1746s a Tondo, Maynila kina Simeon dela Cruz, isang cabeza de barangay, at kay Maria Naval. Sa edad na 8, bihasa na siyá sa pagsasalitâ sa Espanyol. Kalaunan ay sumulat siyá sa wikang Latin. Naging kritiko at sensor siyá ng komedyang Tagalog na ipinapalabas sa Teatro de Tondo. Naging kaibigan niya ang mga tagasimbahan dahil sa kaniya ipinasusulat at ipinawawasto ang kanilang sermon at dahil gagap niya ang Bibliya.
Kilalá siyá bilang “Huseng Sisiw.” Ayon kay Hermenegildo Cruz, palayaw niya iyon dahil susulat lámang siyá ng tula kapalit ng sisiw. Ayon naman kay Jose Ma. Rivera, ang palayaw niya ay gáling sa kaniyang hilig kumain ng sisiw. Sinasabing kayâ niyang tumula at bumuo ng dula nang impromptu. Kumalat sa karatig lalawigan ang kaniyang katanyagan. Ang mga nagnanais na maging makata at manunulat noon ay lumalapit sa kaniya upang humingi ng payo at matuto ng sining ng pagtula. Isa na nga dito ay ang naging bantog na si Francisco Balagtas.
Ilan sa mga isinulat niyang tulang liriko ay “Awa sa Pag-ibig,” “Singsing ng Pag-ibig,” “Sayang na Sayang,” at “Oh…! Kaawa-awang Buhay Ko.” Ang ilan naman sa mga isinulat niyang tulang pasalaysay ay ang mga awit at korido na Clarita, Adela at Florante, Flora at Clavela, Doce Pares de Francia, Rodrigo de Villas, at ang popular na Historia Famoso de Bernardo Carpio. Sumulat din siya ng komedya tulad ng La guerra civil de Granada, Hernandez at Galisandra, Reina encantada o casamiento de fuerza, Los dos virreyes o la copa de oro, Principe Baldovino, Conde Rodrigo de Villas, El amor y la envidia, Don Gonzalo de Cordova, Jason at Medea, at Los traidores de la patria. May ulat na namatay siyá noong 12 Marso 1829. (KLL)
MGA AKDA
SINGSING NG PAG-IBIG
Ah! Sayang na sayang, sayang na pag-ibig,
Sayang na singsing kong nahulog sa tubig;
Kung ikaw rin lamang ang makasasagip,
Mahanga’y hintin kong kumati ang tubig!
Oh…! Kaawa-awang Buhay Ko Sa Iba
Oh…! Kaawa-awang buhay ko sa iba,
Mula at sapol ay gumigiliw na,
Nguni't magpangayon wakas ay di pa
Nagkamit ng tungkol pangalang ginhawa…!
Ano't ang ganti mong pambayad sa akin,
Ang ako'y umasa't, panasanasain,
At ilinagak mong sabing nahabilin
Sa langit ang awa saka ko na hintin!
Ang awa ng langit at awa mo naman
Nagkakaisa na kaya kung sa bagay?
Banta ko'y hindi rin; sa awa mong tunay,
Iba ang sa langit na mabibigay.
Ano ang ganti mo sa taglay kong hirap,
Sa langit na hintin ang nagiging habag?
Napalungi namang palad yaring palad,
Sa ibang suminta't gumiliw ng tapat
AWA SA PAG-IBIG
Sayang na singsing kong nahulog sa tubig;
Kung ikaw rin lamang ang makasasagip,
Mahanga’y hintin kong kumati ang tubig!
Oh…! Kaawa-awang Buhay Ko Sa Iba
Oh…! Kaawa-awang buhay ko sa iba, Mula at sapol ay gumigiliw na, Nguni't magpangayon wakas ay di pa Nagkamit ng tungkol pangalang ginhawa…! Ano't ang ganti mong pambayad sa akin, Ang ako'y umasa't, panasanasain, At ilinagak mong sabing nahabilin Sa langit ang awa saka ko na hintin! Ang awa ng langit at awa mo naman Nagkakaisa na kaya kung sa bagay? Banta ko'y hindi rin; sa awa mong tunay, Iba ang sa langit na mabibigay. Ano ang ganti mo sa taglay kong hirap, Sa langit na hintin ang nagiging habag? Napalungi namang palad yaring palad, Sa ibang suminta't gumiliw ng tapat |
Oh! Kaawa-awang buhay ko sa iba
Mula at sapol ay gumiliw-giliw na,
Nguni’t magpangayon ang wakas ay di pa
Nagkamit ng tungkol pangalang ginhawa.
Mula at sapol ay gumiliw-giliw na,
Nguni’t magpangayon ang wakas ay di pa
Nagkamit ng tungkol pangalang ginhawa.
Ano’t ang ganti mong pagbayad sa akin,
Ang ako’y umasa’t panasa-nasain,
At inilagak mong sabing nahabilin,
Sa langit ang awa saka ko na hintin!
Ang ako’y umasa’t panasa-nasain,
At inilagak mong sabing nahabilin,
Sa langit ang awa saka ko na hintin!
Ang awa ng langit at awa mo naman
Nagkakaisa na kaya kung sa bagay?
Banta ko’y hindi rin; sa awa mong tunay,
Iba ang sa langit na maibibigay.
Nagkakaisa na kaya kung sa bagay?
Banta ko’y hindi rin; sa awa mong tunay,
Iba ang sa langit na maibibigay.
Ano ang ganti mo sa taglay kong hirap,
Sa langit na hintin ang magiging habag?
Napalungi namang patad yaring palad,
Sa ibang suminta’t gumiliw ng tapat.
Sa langit na hintin ang magiging habag?
Napalungi namang patad yaring palad,
Sa ibang suminta’t gumiliw ng tapat.
Comments
Post a Comment