TALAMBUHAY NG MANUNULAT JOSE DELA CRUZ (21 Disyembre 1746-12 Marso 1829) Si Jose dela Cruz (Ho·sé de·lá Kruz) o Huseng Sisiw ay isang bantog na makata at mandudulang Tagalog noong ika-19 na siglo. Dahil sa kaniyang kabantugan, may kuwentong nagpaturo sa kaniyang tumula si Francisco Balagtas bago ito naging popular. Isinilang siyá noong 21 Disyembre 1746s a Tondo, Maynila kina Simeon dela Cruz, isang cabeza de barangay, at kay Maria Naval. Sa edad na 8, bihasa na siyá sa pagsasalitâ sa Espanyol. Kalaunan ay sumulat siyá sa wikang Latin. Naging kritiko at sensor siyá ng komedyang Tagalog na ipinapalabas sa Teatro de Tondo. Naging kaibigan niya ang mga tagasimbahan dahil sa kaniya ipinasusulat at ipinawawasto ang kanilang sermon at dahil gagap niya ang Bibliya. Kilalá siyá bilang “Huseng Sisiw.” Ayon kay Hermenegildo Cruz, palayaw niya iyon dahil susulat lámang siyá ng tula kapalit ng sisiw. Ayon naman kay Jose Ma. Rivera, ang palayaw niya ay gáling sa ka
Comments
Post a Comment